SSS, hinihikayat ang mga miyembro na gumamit ng alternatibong paraan sa pakikipagtransaksyon
Hinihikayat ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na gumamit ng mga alternatibong paraan sa pakikipagtransaksyon bukod sa pagpunta sa mga branches nito. Ipinagbibigay alam ng SSS na bukas ang My.SSS web portal nito para sa online transactions gaya ng pag-generate ng Payment Reference Number, pag-access sa kanilang records, updating ng contact details

By Staff Writer
Hinihikayat ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na gumamit ng mga alternatibong paraan sa pakikipagtransaksyon bukod sa pagpunta sa mga branches nito.
Ipinagbibigay alam ng SSS na bukas ang My.SSS web portal nito para sa online transactions gaya ng pag-generate ng Payment Reference Number, pag-access sa kanilang records, updating ng contact details ng miyembro, online filing ng maternity notification, retirement claims,at salary at calamity loans.
Maaari ring mag-set ng appointment ang mga miyembro sa SSS branches gamit ang “Appointment System” na matatagpuan din sa My.SSS web portal.
Bukod pa rito, mayroon ding drop boxes sa SSS branches para sa pagtanggap ng kanilang benefit applications.
Nais ring ipagbigay alam ng SSS na nagpapatupad ito ng number coding scheme sa ilang branches para maiwasan ang pagdagsa ng maraming tao dito.
Humihingi ng pang-unawa ang SSS sa mga miyembro nito sa mahigpit na pagpapatupad ng mga precautionary measures para sa kanilang kaligtasan bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Panay, Cebu plants anchor MGEN’s diversified energy strategy
Meralco PowerGen Corporation (MGEN) is positioning its Panay and Cebu thermal plants as Visayas keystones of a diversified portfolio that combines renewables, battery storage, natural gas, and baseload capacity, as the Philippines reassesses its long-term energy mix amid global fuel volatility and rising demand. In Iloilo, Panay Energy Development Corporation (PEDC) has supplied baseload power


