Panawagan sa Paglahok: SALINAYAN: Seminar-Training sa Pagsasalin
Inaanyayahan ang mga pamahalaang lokal at iba pang publikong entidad sa Rehiyong 11 (Davao Region) at 12 (SOCCSKSARGEN) na magpadala ng aplikasyon sa paglahok sa isasagawang SALINAYAN: Seminar-Training sa Pagsasalin na isasagawa sa 20—22 Hunyo 2023 sa University of Southern Mindanao (USM), Kabacan, North Cotabato. Layunin ng SALINAYAN na linangin ang kasanayan ng mga empleado

By Staff Writer

Inaanyayahan ang mga pamahalaang lokal at iba pang publikong entidad sa Rehiyong 11 (Davao Region) at 12 (SOCCSKSARGEN) na magpadala ng aplikasyon sa paglahok sa isasagawang SALINAYAN: Seminar-Training sa Pagsasalin na isasagawa sa 20—22 Hunyo 2023 sa University of Southern Mindanao (USM), Kabacan, North Cotabato.
Layunin ng SALINAYAN na linangin ang kasanayan ng mga empleado ng mga publikong entidad hinggil sa pagsasalin gamit ang wikang Filipino sa mga pubikong transaksiyon, paggamit nito sa mga korespondensiya opisyal at iba pang mga opisyal na dokumento, at maging mabisang kasangkapan sa mas episyenteng komunikasyong tuon sa serbisyo publiko.
Tatanggap lamang ang KWF ng opisyal na intensiyon ng paglahok hanggang 12 Mayo 2023 sa pamamagitan ng pagsagot sa https://forms.gle/7gX3JX493fyDuYuv9. Makalipas ang rehistrasyon, magpapadala ng pabatid ang KWF kung isa kayo bilang kinatawan ng inyong opisina sa nakapasok sa limitadong bilang ng inaasahang kalahok sa isasagawang seminar-training.
Ang SALINAYAN: Seminar-Training sa Pagsasalin ay isa sa mga pagsasanay na ibinibigay ng KWF sa pangunguna ng Sangay ng Salin.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Capiz flooding hits 8.7% of households, PIDS survey finds
Households in rural Capiz were among the hardest hit by flooding in Western Visayas between 2023 and 2024, with 8.7% affected — more than double the regional average — according to a survey by the Philippine Institute for Development Studies (PIDS). Data from the first wave of the Philippines Socioeconomic Panel


