Palihang-Salin ng Komisyon sa Wikang Filipino
Naging mabunga ang pagsasagawa ng limang araw na pagsasanay sa pagsasalin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na nilahukan ng mga empleado at iba pang teknikal na kawani mula sa iba pang mga sangay sa loob ng ahensiya. Isinagawa ito noong 6-10 Mayo 2024 sa Bulwagang Norberto Romualdez. Nagbahagi rin ng sariling mga danas sa

By Staff Writer

Naging mabunga ang pagsasagawa ng limang araw na pagsasanay sa pagsasalin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na nilahukan ng mga empleado at iba pang teknikal na kawani mula sa iba pang mga sangay sa loob ng ahensiya. Isinagawa ito noong 6-10 Mayo 2024 sa Bulwagang Norberto Romualdez. Nagbahagi rin ng sariling mga danas sa pagsasalin ang ilan sa mga opisyal ng KWF sa pangunguna ni Dr. Arthur P. Casanova, Tagapangulo.
Pangunahing tuon sa isinagawang pagsasanay ang pagsasalin ng mga dokumentong may direktang kinalaman sa mga gawain at ibang pang proyekto ng mga sangay ng KWF. Nagkaroon din ng ilang pagsasalin sa ilang pinakagamiting pormularyo at gabay na ginagamit ng pamahalaan.
Ang Palihang-Salin ng KWF ay isang espesyal na programa ng ahensiya sa pangunguna ng Sangay ng Salin na naglalayong pagbutihin pa ang pagpapalakas ng kakayahan (capacity building) ng mga empleado sa gawaing pampagsasalin at makatugon sa patuloy na pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong pagsasalin sa pangkalahatang publiko.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Ink, Grit, and the Ilonggo Stubborn Streak
The Unvarnished History of the Daily Guardian Iloilo City, Western Visayas (2001–2026) * * * There is a building in Mandurriao, Iloilo City, that houses one of the most improbable survivors in Philippine community journalism. It is not glamorous. It does not have the backing of a media conglomerate or the deep pockets of special


