Nominasyon para sa Dangal ng Wikang Filipino 2024, bukás na!
Tuntunin: 1. Ang Dangal ng Wikang Filipino ay mataas na pagkilála sa mga indibidwal, samahán, tanggápan, institusyon, o ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino. 2. Bukás ang nominasyon sa mga indibidwal—laláki man o babae—samahán, tanggápan o institusyon, at mga ahensiyang

By Staff Writer

Tuntunin:
1. Ang Dangal ng Wikang Filipino ay mataas na pagkilála sa mga indibidwal, samahán, tanggápan, institusyon, o ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.
2. Bukás ang nominasyon sa mga indibidwal—laláki man o babae—samahán, tanggápan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapagalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larang at/o disiplina.
3. Pára sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababâ sa apatnapung (40) taón. Pára sa mga samahán, tanggápan, ahensiyang pampamahalaán, at/o pribadong sektor, kinakailangang naitatag nang hindi bababâ sa limáng (5) taón.
4. Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino sa iba’t ibang larang at disiplina. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bílang pruweba).
5. Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat mulâ sa labas ng KWF.
6. Pára sa nominasyon, ihanda ang sumusunod na kompletong dokumento:
*KWF Pormularyo ng Nominasyon https://docs.google.com/…/18av3X0HuW0Nmp9BQ3Xa6…/edit…
*Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahán at nilagdaan ng nagnomina;
*Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahán); at
*Mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino at/o alinmang katutubong wika sa bansa.
7. Ilagay sa isa o higit pang long brown envelop ang mga tinukoy sa bilang 6 at ipadala sa adres na nása ibaba:
Lupon sa Dangal ng Wikang Filipino 2023
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Lungsod Maynila
8. Ang hulíng araw ng pagpapása at pagtanggap ng nominasyon ay sa 10 Hunyo 2024, 5:00 nh.
9. Ang tatanghaling Dangal ng Wikang Filipino 2024 ay tatanggap ng naturang gawad sa Araw ng Parangal sa 19 Agosto 2024.
10. Pára sa ibá pang detalye, mangyaring tumawag o mag-text sa 0928-844-1349, o magpadalá ng email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Ink, Grit, and the Ilonggo Stubborn Streak
The Unvarnished History of the Daily Guardian Iloilo City, Western Visayas (2001–2026) * * * There is a building in Mandurriao, Iloilo City, that houses one of the most improbable survivors in Philippine community journalism. It is not glamorous. It does not have the backing of a media conglomerate or the deep pockets of special


