‘Mama, pauwi na ako’
Ang daan ang pangunahing daan patungo sa ligtas na patutunguhan; imbes na ligtas, tila nagmistulang karerahan at delubyo ang kalsada. Taon-taon, maaaring umabot sa 5,000 ang mga aksidenteng nangyayari sa bansa, karamihan dito ay dulot ng pagkalasing at kawalan ng kontrol. Nagmistulang sementeryo ang daan. Kamakailan lang, naiulat sa K5 News

By Roger Palomaria Jr.
By Roger Palomaria Jr.
Ang daan ang pangunahing daan patungo sa ligtas na patutunguhan; imbes na ligtas, tila nagmistulang karerahan at delubyo ang kalsada. Taon-taon, maaaring umabot sa 5,000 ang mga aksidenteng nangyayari sa bansa, karamihan dito ay dulot ng pagkalasing at kawalan ng kontrol. Nagmistulang sementeryo ang daan.
Kamakailan lang, naiulat sa K5 News FM ng San Jose, Antique na umabot sa 400 ang mga naitalang aksidente mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2025. Sa datos na ito, sa bawat kapabayaan ng isang driver, galos at kamatayan ang nakataya sa bawat daang kanilang nilalakbay. Kung titignan natin, sa isang araw ay maaaring nasa 1–20 ang ratio ng aksidente na nangyayari sa Pilipinas, ngunit ang tamang pag-iingat ay nasa kamay ng driver para maiwasan ito.
Habang delubyo ang kalsada, matulin pa rin ang takbo. Hindi natin maitatanggi na ang mga Pilipino ay may tinatawag na “utak kamote” sa daan—ultimo kalsada ginawang paligsahan at nadadamay ang mga inosenteng tao kapag may aksidente. Ang sanang ligtas na daan, ngayon ay naging trahedya dahil sa mga kaskaserong driver.
Hindi alintana ang ulan para sa mga kaskaserong driver; ito pa ang nagiging oportunidad para sa ilan na mas mabilis na magpatakbo upang makakuha ng pasahero. Imbes na maging ligtas, ngayon ay inilalagay nila sa alanganin ang buhay ng kanilang sakay.
Wala namang masama kung mag-iingat, dahil buhay ng mga estudyante at ibang tao ang nakataya. Nitong nakaraan lang, dalawang estudyante ang patay at siyam ang sugatan sa aksidente sa Cadajug, Lua-an, Antique. Ang kanilang pangarap na makapagtapos, ngayo’y naging imahinasyon na lang dahil sa kasalanan ng driver. Wala sanang buhay ang nasasayang kung naging maingat lang sana ang nagmamaneho, at sana’y nagpatuloy rin ang pangarap ng mga nasawi.
Dahil sa simpleng kapabayaan at “utak kamote” sa daan, nagiging mitsa ito para magsilbing sementeryo ang kalsada. Sa bawat hawak ng manibela, daan ang tinatahak at buhay ang nakasalalay sa bawat driver.
Maging kapabayaan man ito o hindi, nararapat na mag-ingat ang mga nagmamaneho, dahil ang kalsada ay hindi ginawa para sa paunahan makauwi, kundi para daanan patungo sa ligtas na patutunguhan.
Sapagkat sa huli, ang bawat daan ay may katumbas na “Mama, pauwi na ako,” at may mga pamilya at magulang na naghihintay. Nararapat na tanggalan ng lisensya ang mga “kamote” sa daan at panagutin ang mga taong ginagawang paligsahan ang kalsada. Kung may makitang mga “kamote driver,” dapat itong i-report agad sa Land Transportation Office (LTO). Tandaan na hindi sapat ang “Pasensya na po” kung buhay ang nawala.
Roger B. Palomaria Jr. is a journalist and opinion writer based in the Philippines. He contributes to Insight PH and Informed Philippines and volunteers for JourKnows. He specializes in public interest issues and community affairs.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Pagbisita sa Baguio
Ni John Iremil Teodoro ANG paborito ko nga kodak namën nga magburugto—ako, si Gary, kag si Sunshine—amo ang sa idalëm kang taas kag magapa nga pine tree nga may nakasab-it nga mga pink nga star nga parol sa sangka belvedere kang BenCab Museum sa Dalan Asin, Tuba, Benguet sa guwa kang Syudad Baguio. Sa haron

CHED and the balance we might lose
The May 5 CHED online hearing comes with a quiet kind of unease. Not loud, not dramatic—just there, in faculty rooms and in passing thoughts. The idea of cutting or reshaping General Education may look like a simple fix, but it feels like shifting something foundational midstream. It is easy to

