KWF, nananawagan para sa mga kopya ng tesis at disertasyon na nakasulat sa Filipino

Nananawagan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga iskolar na magkaloob ng kopya ng kanilang mga tesis at disertasyong nakasulat sa wikang Filipino para sa isinasagawa nitong anotasyon ng mga nabanggit na pag-aaral. Ang patuluyang proyekto sa anotasyon ng mga tesis at disertasyon ay naglalayong makabuo ng mapagtitiwalaang depositaryo ng mga pananaliksik na nakasulat
Nananawagan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga iskolar na magkaloob ng kopya ng kanilang mga tesis at disertasyong nakasulat sa wikang Filipino para sa isinasagawa nitong anotasyon ng mga nabanggit na pag-aaral.
Ang patuluyang proyekto sa anotasyon ng mga tesis at disertasyon ay naglalayong makabuo ng mapagtitiwalaang depositaryo ng mga pananaliksik na nakasulat sa wikang Filipino. Ninanais din nitong palakasin pa ang saliksik sa iba’t ibang larang.
Inaasahan na makatutulong ito sa mga iskolar at mag-aaral na naghahanap ng mga sangguniang may kinalaman sa kanilang sinasaliksik sa iba’t ibang disiplina.
Kabilang sa mga nagawan na ng anotasyon ang mga tesis at disertasyon sa wika, panitikan, araling Filipino, pagsasalin, araling midya, at edukasyon. Sa hinaharap, binabalak ng KWF na mailabas sa online na espasyo ang mga anotasyong ito.
Maaaring ipadala ang kopya ng mga naipasá nang tesis at disertasyon sa anotasyon.kwf@gmail.com. Tinitiyak ng KWF na pangangalagaan ang mga nasabing kopya at gagamitin lámang para sa proyektong anotasyon.
Para sa paglilinaw o tanong hinggil sa mga nabanggit, maaaring tumawag sa 09669052938 at hanapin si Gng. Miriam Cabila, o mag-email sa miriam.cabila@yahoo.com.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Iloilo City to file charges over Jaro River trash dumping
The Iloilo City government is preparing to file charges against a commercial establishment for allegedly dumping waste into the Jaro River. City officials traced the establishment through garbage collected under the Oplan Kontra Baha campaign, a citywide waterway clearing operation, according to Engr. Neil Ravena, head of the city’s General Services


