Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Lalahok sa MIBF!
Lalahok ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Manila International Book Fair (MIBF) sa 14–17 Setyembre 2023, 10:00 nu–8:00 ng, SMX Convention Center, Lungsod Pasay. Itatampok ng KWF ang mga aklat pangwika at pangkultura na kinabibilangan ng Nananalamin: Tatlong Dulang Sumasalamin sa Kontemporaryong Pamilya ni Luciano Sonny Valencia; Pananalig sa Batà: Kasaysayan at Panunuri sa

By Staff Writer

Lalahok ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Manila International Book Fair (MIBF) sa 14–17 Setyembre 2023, 10:00 nu–8:00 ng, SMX Convention Center, Lungsod Pasay.
Itatampok ng KWF ang mga aklat pangwika at pangkultura na kinabibilangan ng Nananalamin: Tatlong Dulang Sumasalamin sa Kontemporaryong Pamilya ni Luciano Sonny Valencia; Pananalig sa Batà: Kasaysayan at Panunuri sa Muling Pagsasalaysay at Pagsasaling Pambatà sa Filipino ni Wennielyn F. Fajilan; Mga Kuwentong-bayan ng Timog Cordillera: Ortograpiyang Ibaloy at Kankanaey ni Komisyoner Jimmy B. Fong; Mga Dula ni Njel De Mesa ni Njel De Mesa; Jonas: Nobela sa Wikang Sebwano ni Hannah A. Leceña, at marami pang iba.
Tampok din ang mga aklat ni Tagapangulong Arthur P. Casanova na Mga Drama para sa Dulaang Pambata, Mga Dula para sa Teatrong Pambata, at Batang Mandirigma at Lima pang Dula.
Ang KWF ay naniniwala na ang paglalathala ng mga publikasyon ay isang paraan ng pagtatanghal sa kapasidad ng wikang Filipino bílang wika ng malikhain at intelektuwal na gawain. Isang paraan ito ng pag-iimbak ng karunungan sa iba’t ibang disiplina na Filipino ang wika sa pagsulat at saliksik.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Capiz flooding hits 8.7% of households, PIDS survey finds
Households in rural Capiz were among the hardest hit by flooding in Western Visayas between 2023 and 2024, with 8.7% affected — more than double the regional average — according to a survey by the Philippine Institute for Development Studies (PIDS). Data from the first wave of the Philippines Socioeconomic Panel


