Kaalamang pangwika, handog ng KWF sa madla
Patuloy na maaakses ng madla ang iba’t ibang kaalamang pangwika sa pamamagitan ng infomercials at infomats na patuluyang inalalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Tampok sa mga ito ang seryeng Wikaalaman at infomats pangwika. Serye ng maiikling video ang Wikaalaman na naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa mga gawain ng KWF at ilan

By Staff Writer

Patuloy na maaakses ng madla ang iba’t ibang kaalamang pangwika sa pamamagitan ng infomercials at infomats na patuluyang inalalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Tampok sa mga ito ang seryeng Wikaalaman at infomats pangwika.
Serye ng maiikling video ang Wikaalaman na naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa mga gawain ng KWF at ilan pang mas espesipikong gawain nito tulad ng pagbuo ng diksiyonaryo.
Lumalabas naman dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo ang infomats pangwika na nagbabahagi ng karunungang nakapaloob sa mga salita ng wikang Filipino.
May dalawang tampok na infomats: ang Salit-Salitaan at AlpabetTuklas. Itinatanghal ng Salit-Salitaan ang iba’t ibang salitang hango sa Diksiyonaryo ng Wikang Filipino habang ang AlpabeTuklas ay nagtatampok ng ingklusibong katangian ng wika at alpabetong Filipino.
Madalas na nagiging viral ang mga paskil na ito na matatagpuan sa FB page ng KWF.
Kaugnay ang mga proyektong ito sa adhika ng KWF na maipalaganap at mapaunlad pa angwikangFilipinosapamamagitanngmgaimpormatiboatmalikhaingkampanya.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Capiz flooding hits 8.7% of households, PIDS survey finds
Households in rural Capiz were among the hardest hit by flooding in Western Visayas between 2023 and 2024, with 8.7% affected — more than double the regional average — according to a survey by the Philippine Institute for Development Studies (PIDS). Data from the first wave of the Philippines Socioeconomic Panel


