Isumite na ang nominasyon sa DANGAL NG PANITIKAN 2025!
𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐢𝐧: Ang Gawad Dangal ng Panitikan ay ang mataas na pagkilála sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nitó ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at ibá pang wikang panrehiyon o panlalawigan. Bukás ang nominasyon sa mga institusyon at/o

By Staff Writer

𝐓𝐮𝐧𝐭𝐮𝐧𝐢𝐧:
- Ang Gawad Dangal ng Panitikan ay ang mataas na pagkilála sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nitó ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at ibá pang wikang panrehiyon o panlalawigan.
- Bukás ang nominasyon sa mga institusyon at/o manunulat—laláki man o babae—na nakapag-ambag sa pagpapayaman ng panitikan ng Pilipinas. Ang mga ambag ay dapat na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa wikang Filipino.
- Pára sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababâ sa apatnapung (40) taón. Pára sa mga samahán, tanggápan, ahensiyang pampamahalaán, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababâ sa limang (5) taón.
- Mayroong katipunan ng mga akdâ o gawaing nakapag-ambag sa panitikang Pilipino at mga katutubong wika ng Pilipinas (kinakailangang ilakip sa nominasyon bílang pruweba).
- Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat mula sa labas ng KWF.
- Pára sa nominasyon, ihanda ang limang (5) kopya ng sumusunod na kompletong dokumento:
- Pormularyo sa Nominasyon/Entri form (https://shorturl.at/mZWI5);
- Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahán at nilagdaan ng nagnomina;
- Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahán); at
- Mga pruweba sa katipunan ng mga akdâ na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa wikang Filipino.
- Ilagay sa expandable envelope ang mga tinukoy sa bílang 6 at ipadalá sa adres na nása ibaba:
Lupon sa Gawad Dangal ng Panitikan 2025
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel,
San Miguel, Lungsod Maynila
- Ang hulíng araw ng pagpapása at pagtanggap ng nominasyon ay sa 𝟕 𝐏𝐄𝐁𝐑𝐄𝐑𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟓, 𝟓:𝟎𝟎 𝐧𝐡.
- Ang tatanghaling Dangal ng Panitikan 2025 ay tatanggap ng naturang gawad sa iginagayak na programa ng Gabi ng Parangal sa alinmang petsa sa Abril 2025.
- Pára sa ibá pang detalye, tumawag o mag-text sa 0928-844-1349 o magpadalá ng email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Capiz flooding hits 8.7% of households, PIDS survey finds
Households in rural Capiz were among the hardest hit by flooding in Western Visayas between 2023 and 2024, with 8.7% affected — more than double the regional average — according to a survey by the Philippine Institute for Development Studies (PIDS). Data from the first wave of the Philippines Socioeconomic Panel


