Huwag ninyo din sana kaming kalimutan
Sa Pilipinas, kilala ang mga pari bilang mga taong tinawag ng Diyos upang magsilbi sa simbahan, ngunit sa likod nito ay kapalit ang psychological distress, lalo na ang paglaki ng mga kaso sa pari. Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, sa artikulo ng Inquirer.net “Cardinal Advincula to priests: Tackle

By Roger B. Palomaria Jr.
By Roger B. Palomaria Jr.
Sa Pilipinas, kilala ang mga pari bilang mga taong tinawag ng Diyos upang magsilbi sa simbahan, ngunit sa likod nito ay kapalit ang psychological distress, lalo na ang paglaki ng mga kaso sa pari.
Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, sa artikulo ng Inquirer.net “Cardinal Advincula to priests: Tackle mental health struggles” sa kanyang homily, 18 percent ng mga pari sa bansa ay nakakaranas ng distress o burnout at iba pa.
Kung tingnan natin, posible na isa sa limang tao na pari sa bansa ay maaaring nakakaranas ng depression, burden, anxiety, loneliness, at iba. Hindi hamak na parehas lang sila sa mga ordinaryong tao na lumalaban nang patas para sa kanilang mental health.
Sa datos ng National Center for Mental Health, mayroon lamang 700 na psychiatrist, na kung saan sa bawat 200k na tao sa bansa ay isang psychiatrist lamang ang humahawak.
Kung tutuusin, kulang pa sa kulang ang sangkatauhan na makakatulong sa mas maraming taong nangangailangan ng tulong, katulad ng mga pari sa bansa.
Ayon din sa aking panayam sa isang pari mula sa Diocese of Jose Antique, Saint Joseph Cathedral, aniya, mahalaga rin na tugunan at palakasin ang spiritual na pananampalataya ng mga tao, gayundin na matulungan ng gobyerno ang mga pari sa laban sa psychological distress at makagawa ng aksyon ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ukol dito.
Dagdag pa niya, hindi lang naman demonyo ang kalaban ng tao, pati na rin ang kaniyang sarili.
Ang tanong lang dito, hanggang kailan pa rin ba tayo magbubulag-bulagan sa katotohanang ang mental health crisis sa bansa at sa mga pari ay isang seryong usapin na hindi binabasehan sa henerasyon.
Patuloy pa rin bang magiging bulang ang mga dilat na mga mata sa bawat dinaranas ng bawat isa? Magiging lunas din ba ang katagang “kulang-kalang sa dasal?”
Dahil sa huli, kung patuloy na magiging tikom at bulag ang mga mata sa gobyerno at sa atin, mas maraming tao ang hindi mabibigyan ng atensyon sa kanilang nilalabanan.
Note:
Para sa nakakaranas ng depresyon, maaring tumawag sa mga sumusunod na hotlines:
Mental Health Crisis Hotline ng DOH.
1553 (Luzon-wide landline toll-free)
1553
180018881553
09190571553
09178998727
Isang grupo rin sa bansa ang tumututok sa mga may “suicidal tendencies.” Layon ng crisis hotlines ng Natasha Goulbourn Foundation na iparamdam sa mga dudulog na may handang makinig sa kanila.
Narito ang kanilang hotline numbers:
(02) 804-HOPE (4673)
0917 558 HOPE (4673)
0918-873-4679
2919 (toll-free number for GLOBE and TM subscribers)
In Touch Crisis Lines
8893-7603
09190560709
09178001123
09228938944
Maaari ring dumulog sa Hopeline PH:
8804 4673
09175584673
09188734673 (Credits: ABS-CBN)
Roger B. Palomaria Jr., a campus journalist and opinion writer specializing in public interest issues, mental health, and political issues.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Twenty-five years, and we are still here
By Francis Allan L. Angelo I walked into this office in August 2002 looking for a job to tide me over before I went back to school. Lemuel Fernandez and Limuel Celebria interviewed me that morning and asked the kind of questions you do not expect from a regional newsroom — political leanings, ideological orientation,


