DANGAL NG WIKANG FILIPINO 2022
Ang Dangal ng Wikang Filipino ay mataas na pagkilála sa mga indibidwal, samahán, tanggápan, institusyon, o ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino. Bukás ang nominasyon sa mga indibidwal, samahán, tanggápan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na

By Staff Writer

Ang Dangal ng Wikang Filipino ay mataas na pagkilála sa mga indibidwal, samahán, tanggápan, institusyon, o ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.
- Bukás ang nominasyon sa mga indibidwal, samahán, tanggápan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapagalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino sa ibá’t ibáng larang at/o disiplina.
- Pára sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababâ sa apatnapung (40) taón. Pára sa mga samahán, tanggápan, ahensiyang pampamahalaán, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababâ sa limáng (5) taón.
- Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino sa ibá’t ibáng larang at disiplina. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bílang pruweba).
- Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat mulâ sa labas ng KWF.
- Pára sa onlayn na nominasyon, ihanda ang lahat ng softcopy (.pdf format) at magtungo sa link na ito: https://forms.gle/a7BV2Yxw8FxJSMn8A (1)KWF Pormularyo ng Nominasyon; (2) Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahán at nilagdaan ng nagnomina; (3) Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahán); at (4) Mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino at/o alinmang katutubong wika sa bansa.
- Pára sa nominasyon na ipadadala sa koreo, ilakip sa isa o higit pang long brown envelop ang lahat ng dokumento (hardcopy) na nakasaad sa bílang 5 at ipadalá sa:
Lupon sa Dangal ng Wikang Filipino 2022
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila
- Ang hulíng araw ng pagpapása ng nominasyon ay sa 1 HULYO 2022, 5nh.
- Ang tatanghaling Dangal ng Wikang Filipino 2022 ay tatanggap ng naturang gawad sa Araw ng Parangal sa 29 Agosto 2022.
- Pára sa ibá pang detalye, mangyaring tumawag o mag-text sa 0928-844-1349, o magpadalá ng email sa Sangay ng Edukasyon at Networking sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Capiz flooding hits 8.7% of households, PIDS survey finds
Households in rural Capiz were among the hardest hit by flooding in Western Visayas between 2023 and 2024, with 8.7% affected — more than double the regional average — according to a survey by the Philippine Institute for Development Studies (PIDS). Data from the first wave of the Philippines Socioeconomic Panel


