Ang mahiwagang lawa
Ni Angeline Amor V. Canoy
Sa gitna ng masukal at mayabong na gubat na nakapalibot sa bayan ng Naile, may isang usap usapan tungkol sa isang mahiwagang lawa na nakatago sa liblib na bahagi nito. Gayunpaman, walang sinuman ang nagtatangkang lumapit o mag-usisa sa lugar na iyon. Hindi dahil sa mga mababangis na hayop, kundi dahil ang lawang ito ay matatagpuan sa teritoryo ng isang higanteng kapre na ang pangalan ay Utot.
Kilala siya sa bansag na ito hindi dahil sa bilis niyang maglaho kundi dahil sa kanyang taglay na amoy na parang utot na tila ba nabubulok na basura na hinaluan ng sirang itlog, isang amoy na kayang pumatay ng kahit sinong ibon na mapapadaan sa kanyang tinitirhan.
Hindi nagtagal, isang balita ang parang apoy na kumalat sa buong bayan ng Naile. Pinagpipistahan ng lahat ang kuwento ng kanilang Alkalde, na bigla na lang umanong yumaman nang husto. Ayon sa sabi-sabi, naging maswerte ang Alkalde dahil siya ang kauna-unahang nilalang na nakarating sa mahiwagang lawa at mapalad na natupad ang lahat ng kanyang mga hiling.
Sa isang seryosong pagtitipon, ibinunyag ng Alkalde ang sikreto ng kanyang tagumpay. Aniya, nakarating siya sa lawa nang hindi nasasakal sa baho ni Utot dahil di-umano sa isang milagro. Nang umabot daw siya sa masukal na bahagi ng gubat, nakita niyang abala ang higanteng kapre sa kanyang pagdudumi sa likod ng mga riles ng halaman. Dahil nakatuon ang buong konsentrasyon ni Utot sa kanyang pag-iire, hindi nito napansin ang paglusot ng Alkalde patungo sa lawa. Siyempre, hindi nakaligtas ang balitang ito sa pandinig ng magkakaibigang sina Titoy, Budot,at Willy. Ang tatlo ay may kani-kaniyang matatayog na pangarap sa buhay na tila ba hindi kayang makuha sa normal na pagtatrabaho lang. Kaya naman isang gabi, habang nagtitipon sa ilalim ng maliwanag na buwan, naging mainit ang kanilang kuwentuhan kung paano nila malulusutan ang amoy ni Utot para marating ang mahiwagang lawa.
Isang umaga, bago pa man bumulaga ang sikat ng araw at habang humihilik pa ang buong bayan, mabilis na nag-impake ang tatlong magkakaibigan. Bitbit ang kaba at pag-asa, tinahak nila ang madilim at mabahong landas patungo sa kanilang paroroonan. Matapos ang mahigit dalawang oras na pag-iwas sa mga naglalakihang dumi ni Utot sa daan, sa wakas ay narating din nila ang mahiwagang lawa. Ngunit laking gulat nila dahil hindi ito ang lawang nasa imahinasyon nila. Imbes na kumikinang na kristal, ang bumungad sa kanila ay isang malapot at maputik na anyo ng tubig.
“Sigurado ba kayo’ng ito na ‘yon?” tanong ni Willy habang nakangiwi. “Parang kanal lang naman ito na pinalaki, ah?” “Bakit? Dahil ba hindi ito kasing-kinis ng swimming pool ng mga matapobre mong magulang?” pabalang na sagot ni Bodot na halatang pagod at iritado na sa biyahe.
“Hoy, hiyang-hiya naman ako sa ‘yo! At least ang parents ko hindi kulay blue gaya ng mama mo!” ganti ni Willy. “Tama na ‘yan! Baka imbes na biyaya, si Utot ang dumating dito dahil sa ingay niyo!” awat ni Titoy sa dalawa. “Ako na ang mauuna para matapos na tayo.”
Lumapit si Titoy sa gilid ng maputik na lawa, huminga nang malalim, at pumikit. “O mahiwagang lawa, ang hiling ko ay isang kahon ng pandesal na hindi nauubos!”
Pagkatapos ng kaniyang pagsalita, sa tabi mismo ni Titoy, biglang sumulpot ang isang kahoy na kahon na punong-puno ng mainit, mababango, at kulay-kayumangging pandesal. Kumuha ng isa si Titoy, kinagat ito, at laking gulat niya na napakalambot at may kakaibang tamis ito na tila gawa sa langit.
“Bakit pandesal lang?” takang tanong ni Willy habang nakatingin sa kahon.
“Siyempre, para may maibenta ako tuwing umaga at makapag-ipon nang mabilis!” sagot ni Titoy habang ngumunguya. “O, ‘di ba? Masipag at may plano si Titoy, hindi gaya mong rich kid na si mama mo pa ang naghuhugas ng iyong puwet” pang-iinsulto ni Budot.
Nang marinig ito ni Willy, parang uminit ang kanyang bumbunan sa sobrang inis. “Ako naman ang susunod!” sigaw ni Budot habang humaharap sa maputik na tubig. Lumapit siya sa gilid ng lawa, pumikit nang mariin, at taimtim na nahumiling.
“O mahiwagang lawa, ang tanging hiling ko ay nawa’y maging—” Naputol ang hiling ni Budot nang bigla siyang itulak ni Williy dahil sa matinding pikon. Habang nakasubsob ang kanyang buong katawan sa malapot na putik, sumigaw si Budot sa inis, “HAYOP KA WILLYY.”
At si Willy ay biglang nagmukhang hayop, ito’y dahil inakala ng lawa na ang sigaw ni Budot ay karugtong sa kanyang naputol na hiling.
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Fred Agustin explores memory, gratitude, and human connection in solo exhibition Painting with the Soul
MANILA, Philippines — At a time when life seems to move faster than ever, Filipino visual artist Fred Agustin invites viewers to slow down, reflect, and rediscover the beauty of life’s simple moments through his second solo figurative exhibition, Painting with the Soul. The exhibition opened on July 30 and runs until August 28, 2026

UPV brings Ilonggo heritage to life through dance
ILOILO CITY — The University of the Philippines Visayas is strengthening efforts to preserve and promote Ilonggo cultural heritage through dance research, performance, and student participation. The initiative was highlighted by the presentation of Sadsad Ilonggo: Devotion in Motion during the 3rd Saot Ilonggo Workshop and Validation of Dance Research on July 5, 2026, at
