Amak Uhap Awlung Pagtatapu
Idinaos noong 18 Mayo 2024 ang Amak Uhap Awlung Pagtatapu (Araw ng Pagtatapos sa Bahay-Wika) ng ika-6 na batch ng mga bata sa Bahay-Wika at mga Apprentice sa Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) sa Bangkal, Abucay, Bataan. Mayroong 18 batang Ayta Magbukun na nakapagtapos sa Bahay-Wika ngayong taon at anim na mga magulang (apprentice) na

By Staff Writer
Idinaos noong 18 Mayo 2024 ang Amak Uhap Awlung Pagtatapu (Araw ng Pagtatapos sa Bahay-Wika) ng ika-6 na batch ng mga bata sa Bahay-Wika at mga Apprentice sa Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) sa Bangkal, Abucay, Bataan.
Mayroong 18 batang Ayta Magbukun na nakapagtapos sa Bahay-Wika ngayong taon at anim na mga magulang (apprentice) na Ayta Magbukun na natuto ng kanilang katutubong wika.
Naidaos ang programa katuwang ang Provincial Government ng Bataan sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office at Cultural Heritage and Preservation Division.
Ang Bahay-Wika at MALLP sa Bangkal, Abucay, Bataan para sa wikang Ayta Magbukun ay ang kauna-unahang Language Immersion Program para sa pagpapasigla ng mga nanganganib na wika ng Pilipinas.
Sinimulan ito noong 2018 at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan dahil sa pagsusumikap ng komunidad na mapasigla ang paggamit ng kanilang katutubong wika at dahil na rin sa pagtutulungan ng iba’t ibang institusyon ng pamahalaan gaya ng Komisyon sa Wikang Filipino, Pamahalaang Lalawigan ng Bataan, Pamahalaan Bayan ng Abucay, at DepEd-Bataan.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Capiz flooding hits 8.7% of households, PIDS survey finds
Households in rural Capiz were among the hardest hit by flooding in Western Visayas between 2023 and 2024, with 8.7% affected — more than double the regional average — according to a survey by the Philippine Institute for Development Studies (PIDS). Data from the first wave of the Philippines Socioeconomic Panel


