Pulong sa Pagpapatibay ng FSL, isinagawa ng KWF, NCNDO, at NCNI
Sa pagkatalaga ng bagong tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Atty. Marites A. Barrios-Taran, nakipagpulong ang Deaf Community sa pangunguna ng National Coordination Network of Deaf Organizations (NCNDO), at ang National Coordination Network for Interpreting (NCNI) sa KWF noong 14 Agosto 2025 sa tanggapan ng Komisyon at Zoom Platform. Kasama sa pulong ang tatlong

By Staff Writer
Sa pagkatalaga ng bagong tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Atty. Marites A. Barrios-Taran, nakipagpulong ang Deaf Community sa pangunguna ng National Coordination Network of Deaf Organizations (NCNDO), at ang National Coordination Network for Interpreting (NCNI) sa KWF noong 14 Agosto 2025 sa tanggapan ng Komisyon at Zoom Platform.
Kasama sa pulong ang tatlong Lupong Tagapagpaganap na sina Atty. Taran, Tagapangulo; Carmelita C. Abdurahman, Komisyoner sa Programa at Proyekto; Benjamin M. Mendillo Jr., Komisyoner sa Pangasiwaan at Pananalapi; at ang Yunit ng Filipino Sign Language (FSL) ng KWF.
Tampok sa pulong ang usapin sa pagpapatibay ng Yunit ng FSL kalakip ang ilan sa mga plano ng ahensiya kabilang na ang muling lagdaan ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng KWF, NCNDO at NCNI. Kasama rin sa binigyang-diin ng NCNDO at NCNI ang pagbuo sa Interpreting Standards.
Kabilang din sa mga napag-usapan ang tungkol sa International Day of Sign Languages na gaganapin sa Setyembre 2025.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
