Pitong Ulirang Guro sa Filipino, pinarangalan ng KWF

Pinarangalan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pitong (7) guro mula sa iba’t ibang panig ng bansa bilang Ulirang Guro sa Filipino. Sa taong ito, dalawang (2) guro sa elementarya ang pararangalan, sina Warren A. Norberte ng Lungsod Butuan SPED Center at Gladys M. Jovellano ng Bagacay Elementary School. Dalawang (2) guro din ang
Pinarangalan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pitong (7) guro mula sa iba’t ibang panig ng bansa bilang Ulirang Guro sa Filipino.
Sa taong ito, dalawang (2) guro sa elementarya ang pararangalan, sina Warren A. Norberte ng Lungsod Butuan SPED Center at Gladys M. Jovellano ng Bagacay Elementary School.
Dalawang (2) guro din ang nagwagi mula sa sekundarya, sina Alma T. Bautista ng Santos Ventura National High School at Christina D. Macascas ng Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Tatlo (3) naman ang mula sa kolehiyo, sina Lita A. Bacalla at Rowena C. Largo na parehong nagmula sa Cebu Normal Univeristy, at Alvin Rom De Mesa ng Leyte Normal University.
Ang Ulirang Guro sa Filipino ay taunang gawad na ipinagkakaloob ng KWF sa mga gurong nakapag-ambag sa pagpapalaganap at promosyon ng wikang Filipino at/o mga wikang katutubo ng Pilipinas at kultura sa larang ng pagtuturo sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pananaliksik, seminar, pagsasanay, palihan, at iba pang katulad na gawain.
Ginanap ang Araw ng Parangal sa 4 Oktubre 2022. 10:00nu sa Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Maynila.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

MORE Power taps cheaper suppliers to ease bill shock
MORE Electric and Power Corporation is buying electricity from bilateral suppliers whenever their rates fall below those of the Wholesale Electricity Spot Market (WESM), a strategy it says shields consumers from higher bills. At present, 62% of its power supply comes from bilateral contracts, while 38% is purchased from the


