Online Aklatang Balmaseda ng KWF, bubuksan sa publiko!
Ang Online Aklatang Balmaseda ay dinamikong tugon ng serbisyong aklatan ng KWF sa panahon ng pandemya (KWF Library Response to COVID-19) upang makaagapay (adaptive response) sa mga pagbabagong dulot ng bagong normal. Kinakailangan lámang sumagot ng form na matatagpuan sa https://library.kwf.gov.ph. Kapag nabigyan na ng mga credential, maaari nang maakses ang mga nakapaskil na PDF

By Staff Writer

Ang Online Aklatang Balmaseda ay dinamikong tugon ng serbisyong aklatan ng KWF sa panahon ng pandemya (KWF Library Response to COVID-19) upang makaagapay (adaptive response) sa mga pagbabagong dulot ng bagong normal.
Kinakailangan lámang sumagot ng form na matatagpuan sa https://library.kwf.gov.ph. Kapag nabigyan na ng mga credential, maaari nang maakses ang mga nakapaskil na PDF file ng mga aklat ng KWF.
Ilan sa mga mababásang e-book ay may kinalaman sa mga pag-aaral sa wika at kultura kasama ang mga bokabularyo, glosaryo, gramatika, at iba pa.
Sa hinaharap, inaasahan na madadagdagan pa ang mga e-book at e-journal na mababása nang onlayn. Maidagdag din sa koleksiyong ito ang mga luma at iniingatang aklat ng KWF.
Ipinangalan ang aklatan ng KWF kay Julian Cruz Balmaseda (1885–1947), isang iginagalang na manunulat at iskolar sa wikang pambansa. Mula 1938 –1947, naglingkod siya bilang direktor ng Surian ng Wikang Pambansa na KWF ngayon.
Ang paglulunsad ng Online Aklatang Balmaseda ng Wikang Filipino ay pangungunahan ng Sangay ng Literatura at Araling Kultural (SLAK) sa pangangasiwa ni Dr. Sheilee B. Vega. Ang paglulunsad ay mapapanood nang live sa opisyal FB page ng Radio Television Malacañang (RTVM) at Komisyon sa Wikang Filipino.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

US crab ban threatens PHP 7 billion, 15,000 jobs
BACOLOD CITY – The Sangguniang Panlalawigan of Negros Occidental has urged national government agencies to immediately undertake all necessary measures to restore market access for Philippine blue swimming crab products to the United States. In a resolution authored by 3rd District Board Member Hope Marey Depasucat and passed during the regular


