Nell B. Buenaventura, Itinanghal na KWF Mananaysay ng Taón 2024
Itinanghal si Nell B. Buenaventura na KWF Mananaysay ng Taón 2024 pára sa kaniyang sanaysay na “Pagpopoókang Nasyonal tungong Lokal hanggang Internasyonal: Pedagohiya’t Dihital na Humanidades sa Pagpapasigla ng Wika.” Makatatanggap siyá ng PHP30,000.00 at karangalang maging “Mananaysay ng Taón,” medalya, at plake. Nagwagî din si Dr. David Michael M. San Juan ng ikalawang gantimpala

By Staff Writer
Itinanghal si Nell B. Buenaventura na KWF Mananaysay ng Taón 2024 pára sa kaniyang sanaysay na “Pagpopoókang Nasyonal tungong Lokal hanggang Internasyonal: Pedagohiya’t Dihital na Humanidades sa Pagpapasigla ng Wika.” Makatatanggap siyá ng PHP30,000.00 at karangalang maging “Mananaysay ng Taón,” medalya, at plake.
Nagwagî din si Dr. David Michael M. San Juan ng ikalawang gantimpala pára sa kaniyang sanaysay na “Sipat sa Sitwasyong Pangwika ng Bansa Bílang Lunsaran ng Pagbabalangkas ng Pambansang Planong Salubungan ng Estado-Sentrikong Polisiya at Babá-Taas na Adbokasiya Túngo sa Preserbasyon ng mga Wika sa Pilipinas.” Makatatanggap siyá ng PHP20,000.00 at plake.
Hinirang naman si G. Precioso M. Dahe Jr. sa ikatlong gantimpala pára sa kaniyang sanaysay na “Ang mga Tertulyang Rehiyonal, Mga Kag-Lambaga hinggil sa Katutubong Wika: Ang Preserbasyon at Pagbuo ng Modernong Espasyo mula sa Guho ng Babel.” Makatatanggap siyá ng PHP15,000.00 at plake.
Ang Gawad KWF sa Sanaysay ay taunang gawad ng KWF para sa pinakamahusay na sanaysay hinggil sa mga pilî at napapanahong tema. Sa pamamagitan ng timpalak na ito, naitatanghal ang Filipino bílang wika ng saliksik.
Ang mga nagwagi ay gagawaran sa KWF Gabi ng Parangal sa 19 Agosto 2024.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Ink, Grit, and the Ilonggo Stubborn Streak
The Unvarnished History of the Daily Guardian Iloilo City, Western Visayas (2001–2026) * * * There is a building in Mandurriao, Iloilo City, that houses one of the most improbable survivors in Philippine community journalism. It is not glamorous. It does not have the backing of a media conglomerate or the deep pockets of special


