MAGPATALA SA KWF DIREKTORYO NG MGA TAGASALIN 2025!
Inaanyayahan ang lahat ng mga tagasalin na magpatala sa KWF Direktoryo ng mga Tagasalin 2025! Ang KWF Direktoryo ng mga Tagasalin ay naglalayong palakasin at pagyamanin ang network ng mga tagasalin sa bansa, lalo na ang ugnayan at partisipasyon ng mga tagasalin mula sa rehiyon. Sa pamamagitan ng direktoryo na ito, matitiyak ng KWF na

By Staff Writer

Inaanyayahan ang lahat ng mga tagasalin na magpatala sa KWF Direktoryo ng mga Tagasalin 2025!
Ang KWF Direktoryo ng mga Tagasalin ay naglalayong palakasin at pagyamanin ang network ng mga tagasalin sa bansa, lalo na ang ugnayan at partisipasyon ng mga tagasalin mula sa rehiyon. Sa pamamagitan ng direktoryo na ito, matitiyak ng KWF na ang matitipong mga tagasalin ay propesyonal at de-kalidad na makatutugon sa pangangailangan ng pagsasalin sa iba’t ibang katutubong wika ng mahahalagang dokumento, kasulatan, impormasyon, at iba pang katulad. Magsisilbi ding gabay ang direktoryo para sa pagbibigay ng KWF ng priyoridad sa mga tagasalin na nasa direktoryo nito para sa mga imbitasyon, pabatid, pagsasanay, proyekto, at anunsiyo sa mga proyekto at programa sa pagsasalin ng ahensiya.
Magpatala sa link na ito: https://forms.gle/n4BzwXNhM9zU5QTs7
Bukás ang rehistrasyon hanggang sa 31 Oktubre 2025.
MAHALAGANG PAUNAWA: Ang mga lumahok / nagpatala / nagsumite sa 2024 Direktoryo ng mga Tagasalin ng KWF ay hindi na kinakailangan pang magsumiteng muli sa 2025 Direktoryo ng mga Tagasalin. Kasalukuyang isinasapinal ang 2024 Direktoryo ng mga Tagasalin at makatatanggap ng pabatid ang mga kinauukulang kalahok hinggil dito.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Ink, Grit, and the Ilonggo Stubborn Streak
The Unvarnished History of the Daily Guardian Iloilo City, Western Visayas (2001–2026) * * * There is a building in Mandurriao, Iloilo City, that houses one of the most improbable survivors in Philippine community journalism. It is not glamorous. It does not have the backing of a media conglomerate or the deep pockets of special


