MAGPATALA SA KWF DIREKTORYO NG MGA TAGASALIN!
Inaanyayahan ang lahat ng mga tagasalin na magpatala sa KWF Direktoryo ng mga Tagasalin! Ang KWF Direktoryo ng mga Tagasalin ay naghahangad na makatugon o mapunan ang kakulangan sa network ng mga tagasalin sa bansa lalo na sa network ng mga tagasalin mula sa rehiyon. Sa pamamagitan ng direktoryo na ito, matitiyak ng KWF na

By Staff Writer

Inaanyayahan ang lahat ng mga tagasalin na magpatala sa KWF Direktoryo ng mga Tagasalin!
Ang KWF Direktoryo ng mga Tagasalin ay naghahangad na makatugon o mapunan ang kakulangan sa network ng mga tagasalin sa bansa lalo na sa network ng mga tagasalin mula sa rehiyon. Sa pamamagitan ng direktoryo na ito, matitiyak ng KWF na ang matitipong mga tagasalin ay propesyonal at de-kalidad na makatutugon sa pangangailangan ng pagsasalin sa iba’t ibang katutubong wika ng mahahalagang dokumento, kasulatan, impormasyon, at iba pang katulad. Magsisilbi ding gabay ang direktoryo para sa pagbibigay ng KWF ng priyoridad sa mga tagasalin na nasa direktoryo nito para sa mga imbitasyon, pabatid, pagsasanay, proyekto, at anunsiyo sa mga proyekto at programa sa pagsasalin ng ahensiya.
Magpatala sa link na ito: https://forms.gle/cHJ63RF1Zskn1Gyg9
Bukás ang rehistrasyon hanggang sa 27 Disyembre 2024.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Ink, Grit, and the Ilonggo Stubborn Streak
The Unvarnished History of the Daily Guardian Iloilo City, Western Visayas (2001–2026) * * * There is a building in Mandurriao, Iloilo City, that houses one of the most improbable survivors in Philippine community journalism. It is not glamorous. It does not have the backing of a media conglomerate or the deep pockets of special


