KWF, Maglulunsad ng Aklat ng Bayan
Maglulunsad ng Aklat ng Bayan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa 26 Setyembre 2024, 10:00 nu–12:00 nt sa Bulwagang Romualdez, 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye Jose P. Laurel, San Miguel, Lungsod Maynila. Kabílang sa mga aklat na ilulunsad ay ang Bokabularyong Traylingguwal: English-Hiligaynon-Filipino, leksikograpo, Agnes Dimzon at editor, Alain Dimzon; Tandang Bato: Ang mga

By Staff Writer
Maglulunsad ng Aklat ng Bayan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa 26 Setyembre 2024, 10:00 nu–12:00 nt sa Bulwagang Romualdez, 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye Jose P. Laurel, San Miguel, Lungsod Maynila.
Kabílang sa mga aklat na ilulunsad ay ang Bokabularyong Traylingguwal: English-Hiligaynon-Filipino, leksikograpo, Agnes Dimzon at editor, Alain Dimzon; Tandang Bato: Ang mga Manunulat sa aking Panahon, awtor, Efren R. Abueg; Pagdiriwang sa Haraya: Ang Panulaan at mga Aklat ng Impormasyon para sa mga Bata, awtor, Eugene Y. Evasco; Mga Meditasyon hinggil sa Unang Pilosopiya, awtor, René Descartes, tagasalin, Emmanuel C. de Leon; Ang Berdugo at mga Piling Kuwento, awtor, Honoré de Balzac, tagasalin, Aileen V. Sicat; Margosatubig, awtor, Ramon L. Muzones, tagasalin, Agnes Dimzon; Kalipunan ng mga Akdang Dulang Mindanawon, mga awtor: Felimon B. Blanco, Rene V. Carbayas, Arthur P. Casanova, Angelito G. Flores, Arnel M. Mordoquio, Sunnie C. Noel, at Pepito P. Sumayan, editor: Arthur P. Casanova; Maka-Pilipinong Pananaw: Mga Lapit sa Pagtuturo ng Panitikan, editor, Alvin B. Yapan.
Ang paglalathala ng mga publikasyon ay isang paraan ng pagtatanghal sa kapasidad ng wikang Filipino bílang wika ng malikhain at intelektuwal na gawain. Isang paraan ito ng pag-iimbak ng karunungan sa iba’t ibang disiplina na Filipino ang wika sa pagsulat at saliksik.
Para sa iba pang detalye, tanong at paglilinaw, maáaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Impormasyon at Publikasyon (SIP) sa email na publikasyon@kwf.gov.ph.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

DEMOCRACY’S BACKBONE: Daily Guardian’s 25-year run shows the power of local journalism
For 25 years, the Daily Guardian has served as a steady presence in Iloilo’s public life, chronicling governance, community concerns, and broader national developments through a local lens that prioritizes verification and public accountability. In an era increasingly shaped by digital platforms, veteran journalists and scholars say community newspapers remain essential


