KWF, Lalahok sa Philippine Books Festival 2023
Lalahok ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Philippine Books Festival 2023 sa 2–4 Hunyo 2023 na gaganapin sa World Trade Center Manila, Lungsod Pasay. Mabibili sa napakababang halaga ang iba’t ibang aklat pangwika at pangkultura na nailathala ng KWF kabilang ang akda ni Tagapangulong Arthur P. Casanova na Mga Drama para sa dulaang pambata

By Staff Writer

Lalahok ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Philippine Books Festival 2023 sa 2–4 Hunyo 2023 na gaganapin sa World Trade Center Manila, Lungsod Pasay.
Mabibili sa napakababang halaga ang iba’t ibang aklat pangwika at pangkultura na nailathala ng KWF kabilang ang akda ni Tagapangulong Arthur P. Casanova na Mga Drama para sa dulaang pambata at Mga Dula para sa teatrong pambata.
Mabibili ng madla ang mga de-kalidad na mga aklat kabilang ang Ang Imahen ng Filipino Sa Sining, Ang Apat na Himagsik Ni Francisco Balagtas, Ang Dakilang Inaasam/Hinihintay, Arte De La Lengua Zebuana, Balarila ng Wikang Pambansa, Digmaan at Kapayapaan, Introduksiyon sa Leksikograpiya ng Filipinas, Introduksiyon sa Saliksik, Kahapon,Ngayon at Bukas, Kapayapaan Sa Ilang Wika ng Filipinas, Kasaysayan ng mga Pamayanan ng Mindanao at Arkipelago ng Sulu, Manwal sa Masinop na Pagsulat, Orosman at Zafira: Komenda ni Francisco Balagtas, Taludtod at Talinghaga, Tesawro ng Batayang Konsepto sa Kulturang Filipino, Vocabulario De La Lengua Tagala (Hardbound 2017), at marami pang iba.
Magbibigay rin ng libreng aklat ang KWF kabilang ang Mga Dula ni Severino Montano Severino Montano na isinalin ni Dr. Lilia F. Antonio .
Para sa mga tanong, maaaring mag-email sa kwf-publikasyon@kwf.gov.ph. Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa (02) 899-606-70 at hanapin si Dr. Jose Evie G. Duclay.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

MGEN energizes Toledo BESS, boosting Visayas grid stability
Meralco PowerGen Corporation (MGEN) officially energized and switched on the MGEN Toledo Battery Energy Storage System (BESS) Project in Cebu, marking another major milestone in the company’s commitment to strengthening energy security, enhancing grid reliability, and supporting the country’s transition toward a more sustainable energy future. This is the first 2-hour battery energy storage system


