Kartero ng PHLPost, pinuri sa kanyang katapatan

Isang wallet na pagmamay-ari ng isang kawani ng pribadong tanggapan na may lamang mahigit P8,000 piso, Driver’s License at ATM Card ang napulot ni Roberto Brondo, isang kartero ng Manila Central Post Office ang naibalik sa may-ari.
Papauwi na si Bert sakay ng kanyang motorsiklo galling Maynila nang may mapansin siyang wallet sa kalsada,
Nakilala ang may-ari nito na si Edward Alimangohan matapos na ito ay i-report at ibigay ng kartero ang napulot na wallet sa tanggapan ng Human Resource ng PHLPost upang maimbentaryo ang laman nito bilang parte ng documentation process. Agad na nakipag-ugnayan ang mga awtoridad ng PHLPost sa may-ari ng wallet sa pamamagitan ng Facebook.

Ayon sa PHLPost, ang kanilang mga kartero katulad ni G. Brondo ay kilalang matapat at maaasahan sa kanilang sinumpaang serbisyo na maglingkod at maghatid ng sulat umulan man o umaraw.
Naka-assign siya sa area ng Malacanang upang maghatid ng sulat sa loob at labas nito. Nagsimulang mamasukan si “Bert” noong 2005 bilang casual employee hanggang sa maging regular at na-appoint bilang Senior Letter Carrier noong February 28, 2017.
Masayang tinanggap ni Mr. Alimangohan kay Gng. Melody Olavidez, Tagapamahala ng HR Department ang kanyang pitaka tulad ng cash na pambayad niya sa mga utilities sa kanilang tahanan.
Ayon sa may-ari ng wallet, naniniwala pa rin siya na ang mga kawani ng pamahalaaan lalo na sa PHLPost ay tapat sa kanilang tungkulin.
Bilang pagsaludo sa katapatan ni G. Brondo sa serbisyo, nagbigay ng Special Stamp Frame ang PHLPost Mega Manila Area na naglalaman ng limited edition ng Frontliners Stamps. Ang selyong ito ay nagbibigay pugay sa kabayanihan ng mga Frontline workers sa panahon ng pandemya.
Ayon pa rin sa PHLPost, ang mga kartero ay frontliners din at araw araw ay exposed sa banta ng virus upang patuloy na tuparin ang kanilang tungkulin sa bayan. Kaya naman ibayong pag-iingat sa kalusugan ang isinasagawa nila sa pamamagitan ng pagpapatupad ng health at safety protocols sa lahat ng post offices nito sa bansa.
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Supreme Court ruling guts weak IUU fishing monitoring, expert warns
ILOILO CITY — The monitoring of illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing was already weak, and the recent Supreme Court decision upholding the junking of the government’s vessel monitoring regulation will effectively gut what remains of the system. The high court, voting 13-2, upheld the 2021 ruling of Malabon City

Car-free Sundays on Sunset Boulevard? Not so fast
ILOILO CITY – A pilot test should be conducted before Iloilo City implements a proposed weekly car-free zone along a portion of Sunset Boulevard, according to Councilor Sedfrey Cabaluna, chairperson of the City Council Committee on Transportation. Cabaluna, in a progress report to the City Council on Wednesday, Aug. 12, said

Sara Duterte’s OVP lacked confidential fund receipts, auditor says
By Francis Allan L. Angelo MANILA — The Office of the Vice President under Vice President Sara Duterte did not submit official receipts or sales invoices for goods bought with confidential funds, including tables, chairs, desktop computers and printers, a Commission on Audit witness testified Wednesday. Xylene Mae del Campo of COA’s Intelligence and Confidential
