Kapag korapsyon, ang bilis; pag hustisya, hospital, baka may kasabwat?
Ni Roger B. Palomaria Jr.
Sa Pilipinas, kung saan nagtitiis ang maraming Pilipino sa Philippine General Hospital (PGH), na siksikan at umaasa sa libreng gamutan, ang kabaligtaran naman para sa mga kurap na politiko ay ang pananatili sa pribadong ospital. Misteryo kung titingnan: matapos magnakaw, pagkalabas ng warrant of arrest, naka-neck brace na o nasa hospital bed na. Sa bawat eksena sa balita, laging tampok ang may sakit na politiko sa mamahaling pribadong ospital gaya ng St. Luke’s.
Nagmimistulang lampa ang magnanakaw kapag pinapaaresto na, para gawing humanitarian grounds ang sakit at subukang takasan ang batas.
Marahil nakapagtataka na ang pag-ospital ay para lamang dapat sa may sakit, pero ang tanong ay: Totoo nga bang may sakit ang politikong biglang sisingilin ng batas? Baka naman taktika lamang para maging “unfit to stand trial” ang akusadong kurap sa bansa. Kailanman ay hindi magiging lunas sa sakit ang wheelchairs at mga neck brace ng mga magnanakaw sa kaban ng bayan.
Naninigurado ba ang Professional Regulation Commission (PRC) at Philippine Medical Association (PMA) na walang sinumang doktor na binabayaran ng mga politiko para ipalabas sa publiko na may sakit sila, kahit sakit-sakitan lamang, dahil sila mismo ay nasisilaw sa limpak-limpak na salapi?
Kung tunay na may sakit ang mandarambong sa pera ng taong-bayan, kaya n’yo bang magpagamot sa PGH at maranasan ang hirap ng mga Pilipino sa pampublikong pagamutan? Nararapat na ikumpara sila sa ordinaryong taong may sakit.
Tandaan, ang tunay na takbo ng hustisya ay nararapat na pantay at patas para sa ordinaryong tao at politiko. Marahil sa huli, kung tayo mismong mga Pilipino ay magpapaloko sa eksena nilang pagtakas sa batas habang ang mahihirap ay diretso sa kulungan, patas na batas ba ito, o panibagong palabas na naman?
Email: rogerpalomaria09@gmail.com
Roger B. Palomaria Jr. is a former campus journalist and opinion writer who focuses on public interest issues, mental health and politics. His writing examines social and political concerns affecting Filipinos, with an emphasis on accountability, public welfare and justice.
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Not a penny less: Jeffrey Archer, 1940–2026
Jeffrey Archer died at his home on Monday, Oct. 5. He was 86. His publisher, HarperCollins, said he went “suddenly and peacefully” between writing sessions. The day before, he was on stage in London with broadcaster Gyles Brandreth, signing books for fans and telling them his new novel would be

Oktubre
Ni John Iremil Teodoro IKARWA nga bulan kang ber-months. Darwa rën lang ka bulan Disyembre rën. Krismas liwan. Makauli liwan ako kang medyo lawid sa Antique. Halin pa kang sarang bulan, pagbugtaw ko sa kasanagën, nagapamati rën ako kang mga daan nga Christmas song sa Youtube sa TV ukon sa Apple Music sa iPhone ko

I Believe You
By Eliza Bellones I love being a girl. Being born into a matriarchal family and surrounded by friends I consider sisters has always given me a deep sense of safety and belonging. The knowledge that I am truly understood and supported by the women in my life is one of my greatest comforts. But there
