Engagement ring
By Jaime Babiera
Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen patungkol sa natanggap niyang engagement ring mula sa kanyang long-time boyfriend nang yayain siya nito kamakailan na magpakasal. Ayon sa naturang post, dismayado siya sapagkat ang engagement ring na binigay sa kanya ay nagkakahalaga lamang ng P299. Humihingi siya ng payo sa taumbayan kung ang isyung ito ay dapat bang ituring na “big deal” o dapat niya na lamang palagpasin.
Batid ko na ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang expectations mula sa ating mga karelasyon na sa wari ko ay kalimitang nakadepende sa ating personal na pagkakakilala sa kanila. Halimbawa, maaaring mag-expect tayo ng marangyang engagement ring kung alam natin na may kapasidad ang ating kasintahan na bumili ng mamahaling bagay. Kaya lubos kong iginagalang ang reaksyon ng dismayadong netizen lalo’t hindi ko alam ang tunay na kwento sa likod ng kanyang viral social media post.
Hindi kataka-taka na marami sa atin ay nangangarap ng isang ekstrabaganteng marriage proposal at maringal na engagement ring sapagkat ito ang madalas nating mapanood sa pelikula at makita sa social media. Wala namang masama rito. Sigurado ako na lahat tayo ay nagnanais na gawing espesyal ang tagpong kagaya nito na minsan lamang mangyari sa ating buhay.
Gayunpaman, sa tingin ko ay marami pang ibang mas mahalagang bagay bukod sa presyo ng engagement ring ang dapat nating pagtuunan ng pansin kapag tayo ay nagpakasal. Para sa akin, ang mas nararapat nating paghandaan at paglaanan ng malaking halaga ay ang buhay na naghihintay sa atin pagkatapos ng mismong kasal dahil alam nating lahat na hindi biro ang bumuo ng sariling pamilya lalo sa kasalukuyang sitwasyon ngayon ng ating bansa. Kaya higit na makabubuti kung ang pipiliin nating gastusan ay ang mga bagay na mayroong pangmatagalan na benepisyo para sa ating binubuong pamilya.
Email: jaime.babiera@yahoo.com / X: @jaimebabiera
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Of ghosts, monsters, and men
By Michael Caesar C. Tubal It’s Halloween season, and as someone who is chronically online, I have been enjoying the ghost stories and supposedly real-life supernatural encounters that Filipinos have been sharing on Threads, Meta’s microblogging platform. These stories have been going viral again, and I must admit that I have spent more time reading

Dropping 3 impeachment articles, akin to Fischer’s first 2-game loss in a chess match
“Belatedly I was having second thoughts. I had no reason to be taking this risk. I could be halfway out already. I said I wouldn’t do this anymore. Overconfidence and these half-baked plans will be the death of me.” ― Audranasa WAS it a case of hubris on the part of

When utang becomes entitlement
There is a strange moment in some pautang conversations when you realize that “Pwede makahulam?” or “Pautang naman” was not entirely a question. You say, as politely as you can, “Sorry, hindi ako makakapagpautang.” Then comes another question: “Bakit?” Suddenly, ikaw pa ang kailangang magpaliwanag. May paggagamitan ka ba? Wala ka
