‘Dear Teacher’ letter writing inilunsad ng PHLPost
Inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang “Dear Teacher” Letter Writing program via online, bilang paggunita sa pagdiriwang ng buwan ng mga guro ngayong Setyembre. Sa pamamagitan ng #nationalteachersmonth at #thankyouteachers itinatampok ng PHLPost sa tulong ng Department of Education (DepEd) at Metrobank Foundation Inc. ang kahalagahan ng pagtuturo ng pagsusulat ng tamang liham pakikipagkaibigan,

By Staff Writer

Inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang “Dear Teacher” Letter Writing program via online, bilang paggunita sa pagdiriwang ng buwan ng mga guro ngayong Setyembre.
Sa pamamagitan ng #nationalteachersmonth at #thankyouteachers itinatampok ng PHLPost sa tulong ng Department of Education (DepEd) at Metrobank Foundation Inc. ang kahalagahan ng pagtuturo ng pagsusulat ng tamang liham pakikipagkaibigan, pagpapahalaga sa kapwa at pamilya at pagmamahal sa bayan.
Habang nananatili ang mga kabataan sa kanilang mga bahay ngayong pandemya, isinusulong ng PHLPost sa mga mag-aaral ang sining ng pagsusulat ng “simpleng liham ng pasasalamat” para sa mga guro sa pamamagitan ng Salamat Po (Thank You) Letter Writing Advocacy Program na taunang ginagawa ng ahensya.
Binibigyang parangal ng PHLPost ang mga magigiting na guro ng paaralan sa lahat ng sakripisyo, kaalaman at gabay na ibinahagi nila sa mga kabataang mag-aaral.
Ang liham na ito ay magbibigay sa mga guro ng inspirasyon, magpapainit ng mga puso at pupukaw ng kanilang moral upang pahalagahan ang kanilang mga mabubuting gawa”, ayon sa PHLPost.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, hangad ng PHLPost na maibalik ang hilig ng pagsusulat ng liham sa mga mag-aaral na umaasang maabot ang mas nakararaming publiko at pribadong mga paaralan, upang epektibong maisulong at mapaunlad ang mga kasanayan ng mga batang mag-aaral sa komposisyon.
Maaaring ipadala ang mga sulat sa pamamagitan ng email sa salamatpo.phlpost@gmail.com o sa pamamagitan ng Facebook sa @salamatpoletterwriting.
Sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng social media sa pakikipag-ugnayan ngayong panahon ng pandemya, mananatiling ligtas ang ating mga kabataan habang ibinabahagi nito ang kanilang taos pusong pasasalamat sa mga guo sa pamamagitan ng liham.
Article Information
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

US crab ban threatens PHP 7 billion, 15,000 jobs
BACOLOD CITY – The Sangguniang Panlalawigan of Negros Occidental has urged national government agencies to immediately undertake all necessary measures to restore market access for Philippine blue swimming crab products to the United States. In a resolution authored by 3rd District Board Member Hope Marey Depasucat and passed during the regular


