2024 checklist
By Jaime Babiera
Una sa aking listahan ay balanseng diyeta. Hindi ibig sabihin nito ay tuluyan ko nang pagbabawalan ang aking sarili na kumain ng masasarap na pagkain. Siyempre, hindi ko nais na sa murang edad ay sayangin ko ang aking pagkabata. Patuloy pa rin akong kakain ng mga pagkaing hinahanap-hanap ng aking panlasa. Ngunit ’di gaya noon, napag-isip-isip ko na ngayong 2024 ay mas magiging conscious ako sa dami ng aking mga kinakain. Ika nga ay hindi masama ang tumikim-tikim basta hindi sosobra.
Pangalawa ay peace of mind. Batid ko na taon-taon, ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pagsubok na kinakaharap at sinisikap na mapagtagumpayan. Hindi na ito bago sa atin sapagkat ang problema ay parte ng buhay ng tao. Ngunit ngayong taon ay may isang bagay akong natutunan: Sa mga pagkakataong kinakailangan natin gumawa ng mabigat na desisyon, hangga’t maaari ay huwag nating isugal at bagkus ay ingatan natin ang ating peace of mind. Para sa akin, ang isang pasya ay maituturing na tama kung ang hatid nito ay kapanatagan sa ating isipan.
Pangatlo ay financial freedom. Tunay nga na ang pinakamahalagang component ng financial freedom ay limpak-limpak na salapi at hindi mabilang na ari-arian sapagkat hindi natin makakamtam ang kalayaan na gumastos nang walang pag-aalinlangan kung salat tayo sa mga resources na ito. Alam ko na malabong makamit ko ang ating pinakamimithing financial freedom sa darating na 2024. Marami pa akong asin na didikdikin at bigas na kakainin. Gayunpaman, isinama ko ito sa aking checklist dahil naniniwala ako na habang bata pa tayo ay magandang simulan na natin ang paglalakbay patungo rito. Kaya sa darating na 2024 ay pagbubutihin ko pa ang pag-iimpok at pag-iinvest. Sisikapin ko ring higit na maging matalino pagdating sa pananalapi nang sa gayon ay mapunta ang aking pinaghirapang pera sa mga bagay na makabuluhan at kapaki-pakinabang.
Happy New Year sa inyong lahat. Nawa ay maluwalhati nating maisakatuparan ang lahat ng ating hangarin ngayong bagong taon.
Email: jaime.babiera@yahoo.com / X: @jaimebabiera
Comments (0)
LEAVE A REPLY
No comments yet
Be the first to share your thoughts!
Related Articles

Of ghosts, monsters, and men
By Michael Caesar C. Tubal It’s Halloween season, and as someone who is chronically online, I have been enjoying the ghost stories and supposedly real-life supernatural encounters that Filipinos have been sharing on Threads, Meta’s microblogging platform. These stories have been going viral again, and I must admit that I have spent more time reading

Dropping 3 impeachment articles, akin to Fischer’s first 2-game loss in a chess match
“Belatedly I was having second thoughts. I had no reason to be taking this risk. I could be halfway out already. I said I wouldn’t do this anymore. Overconfidence and these half-baked plans will be the death of me.” ― Audranasa WAS it a case of hubris on the part of

When utang becomes entitlement
There is a strange moment in some pautang conversations when you realize that “Pwede makahulam?” or “Pautang naman” was not entirely a question. You say, as politely as you can, “Sorry, hindi ako makakapagpautang.” Then comes another question: “Bakit?” Suddenly, ikaw pa ang kailangang magpaliwanag. May paggagamitan ka ba? Wala ka
